Simple Ways To Get Prospects and Clients For Any Business

Free Lessons Package for Limited Time Only

 

sonjay juliana team

 
 

” You can ATTRACT LEADS and CLOSE SALES all the time
whenever you are able to provide the needed
QUALITY CONTENT and DRIVE TRAFFIC
towards your message. “

 
 
Good day! Ako po si Jayson Guevarra, ang esposo ni Maria Melissa, at ama nina Noe at Baby Matti.. Ang statement na iyan sa itaas ang pinaka-simpleng paliwanag kung paano magkakaroon ng tuloy-tuloy na prospects na handang bumili ng anumang offer mo..

 
 
Ang webpage na ito ay inaasahan at inilalaan ko para sa mga Filipino, kung kaya naman ay gumagamit ako ng “conversational Filipino” style dito.

 
 
Please understand.. I have to justify some things, so that you will enjoy the simple lessons I made available for you.. so please, move forward..

 
 
Baka mawalan na ako ng pagkakataon para maipaalam ito, kung kaya sasamantalahin ko na muna.. dalawang uri ng tao ang ayokong pinag-aaksayahan ng panahon pagdating sa anumang merong kinalaman sa Internet.. una, ay yung tao na hindi tinatanggap na pwedeng pagkakitaan ang Internet; at ang isa naman ay yung tao na kumikita gamit ang Internet dahil sa kanyang panloloko..

 
 
Dahil diyan, nararapat lang na hilingin ko na paki-play ninyo ang video na ito para magbigay ng simpleng paliwanag sa kung paano ako kumikita sa pamamagitan ng Internet:

 
 

Ang iba namang kliyente ko ay direct deposit sa bank account ang gusto..

 
 

Itong paggamit ko ng “conversational Filipino” ay bahagi ng aking sistema. Gayunman, naniniwala ako na nabiyayaan ako ng husay sa paggamit ng English Language. At masasabi kong nakatulong ito sa pagbuo ko ng aking credibility, lalo sa “harap” ng mga taong pangunahing pinagmumulan ng aking income.

 
 

Nagulat ako pero mas natuwa ako nang may ilang tao ang biglang humingi sa akin ng payo, tungkol sa kung paano ba talaga “gumagana” ang tinatawag na “Internet Marketing” at paano ito nagdadala ng “online income”..

 
 
Eto po ang screen shot na bahagi ng sagot ko sa isang individual na nagnanais na maging mentor niya ako:

 

QUALITY CONTENT + DRIVING TRAFFIC = PROFITS

free-lesson-offline

 

BIG WORDS?

 
 
Huwag tayong matakot o mag-alala man lang sa BIG WORDS na nabanggit ko sa itaas. Sooner, if not later.. iyong tamang pagkakaunawa natin sa ganitong mga salita o terms, ang magdadala sa atin sa pag-unlad ng ating negosyo o kabuhayan..

 

So, please, stick with me here..

 
 
At narito nga ako para tulungan kayong maunawaan kahit ang basics tungkol sa mga ito.

 
 
Noong ako po ay nagsimula na mag-promote ng aking writing services sa Internet, iniwasan ko ang tungkol sa “Search Engine Optimization”.. isa iyan sa BIG WORDS sa mundo ng online marketing..

 
 
Hanggang sa dumami ang projects ko.. na hindi ko nahahalata na 90% pala ay tungkol na sa SEO.. hanggang sa napa-evolve ko na ang sarili ko bilang isang SEO expert, isang espesyalista sa area na ito ng marketing..

 
 
Hindi ko masasabing “madali” lang ang lahat.. kahit patungkol sa SEO services pa.. Pero isa sa aking motto nang matuto ako sa marketing:

 

“I just have to learn enough to get the target.”

 
 
Kasi sa totoo lang.. nakadepende ang resulta sa kung paano natin isagawa ang mga natutunan natin.. sa ngayon, ang payo ko sa inyo ay kumuha kayo ng papel at ballpen para isulat, ilista, kung anuman sa terms / words na mapansin ninyo dito, na gusto pa ninyong matutunan..

 
 
Meron man akong inihandang materials para mapalawak ang inyong Marketing Vocabulary, pero maganda rin na maituon ninyo ang inyong sarili sa kung ano ba talaga ang ating PURPOSE sa pagtatayo at pagpapatakbo ng business o pagkakakitaan..

 

Kung hindi man halata, nagsimula na talaga ang unang bahagi ng LESSON sa iyong pag-access at pagbabasa ng webpage na ito.

 
 

Diba.. hinahanap natin ang mga simple at gumagana na paraan para makapag-attract ng prospects o leads, at makakuha ng clients o customers para sa anumang business o negosyo..?

 

Sa pagpapakita ko nung screen shot sa itaas, mabilis kong tinukoy ang isang sistema na madaling gayahin..

 

“Sa pagbanggit ko tungkol sa QUALITY CONTENT, binubuksan ko ang isipan ninyo para kilalanin ninyo nang lubusan ang inyong AUDIENCE na pinaglilingkuran.”

 

Ang una mong tungkulin bilang MARKETER ay yung maunawaan mo ang AUDIENCE mo higit pa sa kung paano nila nauunawaan kung ano ang kailangan nila.

 
 

Kung magsisikap ang isang marketer na makilala nang husto ang kanyang audience, mas magiging madali na matukoy kung ano ang pangangailangan ng mga tao, ano ang handa nilang pagkagastusan, ano ang hinahanap nila sa isang produkto o offer.

 

Ganito ang pinaka-epektibong paraan ng pagbuo ng QUALITY CONTENT, content o information na nagtatatak sa business owner bilang expert at pinagmumulan ng solusyon.

 

Mamaya, sa ibang bahagi ay meron akong inihandang “digital books” na pwede ninyong i-save sa inyong computer para mabalikan.. ang mga ito ay magsisilbing gabay upang makilala ninyo nang lubusan ang audience para sa inyong business.

 

Pero isang bahagi pa lang iyan.. kung babalikan ang screen shot ng aking private message sa itaas, tinukoy ko ang mga paraan kung PAANO MAKAKARATING sa inyong audience ang inyong mensahe o alok..

 
 

“Sa pagbanggit ko tungkol sa DRIVING TRAFFIC ay nagturo ako ng mga paraan para MATUKLASAN ng inyong audience na ang business ninyo pala ang pinagmumulan ng solusyon sa kanilang problema.”

 

Kahit pag-aari mo ang produktong magpapatigil sa pag-ikot ng mundo, kung walang ibang NAKAKAALAM nito bukod sayo, katumbas lang ito ng:
WALA KANG PRODUKTO.

 
 

TRAFFIC sa ONLINE WORLD ay gustong-gusto ng mga nagnenegosyo. Dito sa Pilipinas, hindi natin gusto ang sobrang traffic sa lansangan, pero ang pagdami ng TRAFFIC o VISITS sa isang webpage, ay laging merong hatid na posibilidad na makapagbenta o mabayaran.

 
 
 

Kung nagustuhan mo ang mga tinalakay ko dito,
palagay ko ay DESERVING na ako
na makuha ang ENDORSEMENT mo..
(paki-click ang anumang button sa ibaba)
This is something cool.. I hope!   Share On Twitter!
(mabubuksan ito sa ibang window..)
Salamat Po..!


 
 

.. at mula sa private message ko sa itaas, kapansin-pansin kung ano ang aking suggestions na binaggit ko. Para hindi ka mahirapan na tukuyin ang mga ito..

 
 


Paki-click dito para sa susunod na bahagi ng lesson.